3 bihag pinalaya ng Sayyaf
June 17, 2001 | 12:00am
Matapos ang 21 araw na pagkakabihag, pinalaya na ng mga bandidong Abu Sayyaf ang dalawang Palawan hostages at isang Muslim religious leader sa isang lugar sa lalawigan ng Basilan, kahapon ng umaga.
Kinilala ang pinalayang sina Francis Ganzon, 50, Kimberly Jao, 13, kapwa dinukot sa Dos Palmas resort sa Palawan, at ang paring Muslim o Imam na napaulat na pinugutan ng ulo ng mga bandido na si Ustadz Mohaimen Latif Salih.
Nabatid sa ulat na pinakawalan ang tatlong bihag dakong alas-8 ng umaga. Agad silang dinala sa military headquarters sa Basilan at inihatid sa AFP Southcom sa Zamboanga City bago tuluyang tumulak patungong Villamor Air Base sa Maynila sakay ng isang private jet.
Bagaman napaulat na nagbayad ng malaking halaga ng ransom ang mga bihag ay hindi pa ito kinukumpirma ng mga opisyal ng militar.
Ayon sa report, nang palayain ng mga bandido sina Letty Jao at Teresa Ganzon noong Hunyo 3 ay para magprodyus lamang umano ang mga ito ng pang-ransom sa kanilang ama at anak na bihag pa rin ng Abu Sayyaf nang sila ay pakawalan.
Si Salih, ang Muslim leader na napaulat na pinugutan ng ulo ay ipinadala nina Basilan Governor Wahab Akbar para makipagnegosasyon kina ASG leaders Abu Sabaya at Kjhadaffy Janjalani para palayain ang nalalabi pang mga hostages. Bagamat inihayag ni Sabaya na pinugutan si Salih ay binawi niya ito sa pangambang itatwa siya ng mga kapwa niya Muslim.
Sa paglaya ng dalawang Palawan hostages ay 26 katao pa ang nananatiling hawak ng mga bandido kabilang na rito ang pitong dinukot sa Palawan, apat sa paglusob sa Lamitan at 15 sa sinalakay na Golden Harvest Plantation.
Kabilang sa nalalabing Palawan hostages ang tatlong Amerikanong sina Martin at Gracia Burnham at Guillermo Sobero; Luis Bautista, Lalaine Chua, Angie Montealegre at Maria Fe Rosadeno. (Ulat nina Lilia Tolentino,Rosa Tamayo at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended