Ayon kay Energy Secretary Vicente Perez, ang 30 sentimos na pagbabawas ay makikita na sa billing ng Agosto.
Kasabay nito, sinabi ni Perez na tinawagan niya ang mga presidente ng Shell, Caltex at Petron hinggil sa nakatakdang pagtataas ng presyo ng kanilang produkto, at ayon sa mga ito ay wala pa raw silang official decision na magtataas ng presyo at pinag-aaralan pa ang nasabing usapin. (Ulat ni Lilia Tolentino)