^

Bansa

Peace talks 'di dapat isinakripisyo dahil kay Aguinaldo

-
Hindi dapat isinakripisyo ng administrasyong Arroyo ang usapang pangkapayapaan dahil lamang umano sa isang human rights violator tulad ni Cagayan Congressman Rodolfo Aguinaldo.

Ayon sa militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU), napakarami umanong kasalanang nagawa ni Aguinaldo kaya ito pinatay ng New People’s Army tulad ng torture, illegal incarceration at sexual abuse laban sa mga political prisoners.

Ginawa lamang umano ng NPA ang hindi nagawa ng nagdaang mga administrasyon na parusahan si Aguinaldo.

Kung sinampahan kaagad ng kaso ng pamahalaan si Aguinaldo at ibinilanggo dahil sa laki ng kanyang mga kasalanan ay maaaring buhay pa ito ngayon.

Sinabi naman ni Presidential spokesman Rigoberto Tiglao na dapat nang itigil ng National Democratic Front (NDF) ang political assassinations na isinasagawa nito partikular ang pagpaslang at pag-ambush sa mga kilalang pulitiko dahil maaantala ang peace negotiations kung patuloy na ipipilit ng CPP-NPA-NDF ang pagpapatupad ng revolutionary justice.

Ayon kay Tiglao, kailangang sumunod ang NDF sa kasunduan na habang idinadaos ang usaping pangkapayapaan ay wala munang karahasan.

Itinuturing ng pamahalaan na pambabastos ang ginawang pagpuri ni NDF peace panel chair Luis Jalandoni sa ginawang pagpatay kay Aguinaldo.

Bukod kay Aguinaldo, inako rin ng NPA ang pagpaslang sa mga kilalang pulitikong sina Quezon Rep. Marcial Punzalan at Tanauan, Batangas Mayor Cesar Platon bukod pa sa ilang insidente ng pag-ambush sa mga sundalo. (Ulat nina Ely Saludar/Malou Rongalerios)

AYON

BATANGAS MAYOR CESAR PLATON

CAGAYAN CONGRESSMAN RODOLFO AGUINALDO

ELY SALUDAR

KILUSANG MAYO UNO

LUIS JALANDONI

MALOU RONGALERIOS

MARCIAL PUNZALAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with