^

Bansa

Paglaya ng 2 Palawan hostages di totoo - AFP

-
Itinanggi ni AFP Spokesman Brig. Gen. Edilberto Adan ang napaulat na pinalaya na ng mga bandidong Abu Sayyaf ang dalawang Palawan hostages na sina Kimberly Jao at Lalaine Chua matapos na magbayad ng P10 milyong ransom ang pamilya nito.

"The reported release has not happened. There is no release as of the moment," paglilinaw ni Adan.

Ang pahayag ay taliwas naman sa kumpirmasyon ng isang mataas na opisyal ng Basilan na nagsabing nakalaya na sina Jao at Chua matapos umanong magbayad ng ransom ang pamilya nito kay Dra. Juda Lim, provincial health officer 1 ng Basilan at kamag-anak umano ni Abu Sabaya at kabilang sa mga back-door negotiators na naglalakad ng ransom sa mga pamilya ng biktima.

May hinala na maaaring nasa Maynila na ngayon sina Jao at Chua. (Ulat nina Joy Cantos/Rose Tamayo)

ABU SABAYA

ABU SAYYAF

BASILAN

CHUA

EDILBERTO ADAN

JAO

JOY CANTOS

JUDA LIM

KIMBERLY JAO

LALAINE CHUA

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with