Kaanak ng Sayyaf nakikisali na rin sa ransom
June 15, 2001 | 12:00am
Sa kabila ng pagsasalita ni Abu Sayyaf spokesman Abu Sabaya sa himpilan ng RMN na hindi ransom o pera ang habol ng mga ito, mismong mga kaanak na umano ng mga bandido ngayon ang kumikilos at lumalapit sa pamilya ng mga biktima at nagsisilbing tulay para sa pagbibigay ng ransom.
Sa pahayag ng source, isang "local back-door negotiation" umano ang isinasagawa ngayon sa pangunguna ng isang Dra. Juda ng Basilan na kamag-anak ni Sabaya at nakikipagnegosasyon sa pamilya ng Palawan hostages sa halagang isang milyon para sa bawat isang bihag.
Hindi lamang umano ang mga bandido ang masaya ngayon sa nangyayari dahil pati mga kamag-anak nila ay kumikita na rin at ginagawa nang source of income ang kidnapping. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest