Ayon kina Menardo Roda, pangulo ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper, Operator Nationwide (PISTON) at Romy Maranan, national chairman ng FEJODAP, mapipilitan umano silang humingi ng karagdagang singil sa pasahe dahil malaki umano ang mawawala sa mga driver dahil sa nobenta sentimong dagdag sa bawat litro ng gasolina at krudo.
Ikinatwiran ni Reynaldo Gamboa ng Pilipinas Shell na walang ibang alternatibo para sa mga kumpanya ng langis kundi magtaas ng presyo ng petroleum products dahil sa patuloy na pagtaas ng halaga ng krudo sa world market na kasalukuyang nasa $27 dollar per barrel, bukod pa sa patuloy na bumubulusok na halaga ng piso kontra dolyar.
Nagpahiwatig naman si LTFRB Chairman Dante Lantin na kakatigan ang ihahaing petisyon ng transport groups. (Ulat ni Andi Garcia)