Nabatid kay Benipayo na sisimulan ng Comelec ang kanilang continuing registration sa unang araw ng Hulyo para sa mga hindi pa nakakapagpatala bilang lehitimong botante, at matatapos 120 araw bago ang isang regular election o 90 days bago ang isang special polls.
Magtungo lamang ang mga nais magparehistro sa mga tanggapan ng registrar ng Comelec local offices sa mga bayan, munisipyo at lungsod sa buong bansa simula sa alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.
Pinag-aaralan rin ng Comelec ang isasagawang paglilinis para purgahin ang opisyal na talaan ng mga botante gaya ng flying voters, double registrant, mga lumipat na ng tirahan at patay na botante na nananatiling nasa listahan. (Ulat ni Andi Garcia)