^

Bansa

Taktika ng militar vs Abu mahina

-
Binatikos ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang pamahalaan, partikular ang Armed Forces of the Philippines dahil sa umano’y mahinang pamamaraan nito sa pakikitungo sa mga bandidong Abu Sayyaf.

Sa pahayag ni KMU spokesperson Sammy Malunes, ang pagsusumikap ng gobyerno na durugin ang Abu Sayyaf ay nagiging kaduda-duda na dahil kasalukuyan pa ring nakakalaya ang nasabing teroristang grupo.

Ayon kay Malunes, buong puwersa na ng AFP ang tumutugis sa mga terorista at maging FBI at CIA ay sangkot na rin, pero kahina-hinala kung bakit nakakawala pa rin ang Abu Sayyaf.

Hininala ng KMU na ang mahinang taktika ng militar na kontrolin ang nasabing teroristang grupo ay posible umanong sinasadya sa panig ng Arroyo government.

Kasabay nito ay nanawagan ang KMU sa pamahalaan na gumawa ng mas tiyak na kampanya laban sa mga bandido alang-alang sa mga bihag at mahihirap na residente ng Basilan.

Habang tumatagal anya ang pagkaantala sa pagdakip sa Abu Sayyaf ay lalong lumalawak ang panganib sa buhay ng mga hostages at sibilyan. (Ulat ni Mayen Jaymalin)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

BASILAN

BINATIKOS

HABANG

HININALA

KILUSANG MAYO UNO

MAYEN JAYMALIN

SAMMY MALUNES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with