Ito ang ibinunyag kahapon ng isang opisyal ng militar na tumangging magpabanggit ng pangalan.
Dahil dito, pinangangambahan ang madugong pagsasagupa sa pagitan ng grupo ni Commander Robot at Sabaya matapos na traydurin umano ng huli ang naturang ASG Sulu based officials kung hindi maisasaayos ang namuong hidwaan sa pagitan ng magkabilang panig.
Base sa intelligence report, pumuslit na patungong Basilan ang grupo ni Robot at Susukan kasama ang tinatayang daan-daang tauhan upang hanapin at komprontahin si Sabaya at grupo nito upang linawin kung bakit hindi tumupad ang huli sa kanilang kasunduan.
Lulan umano ng speedboats na kargado ng malalakas na kalibre ng armas at bala ng dumaong sina Robot at Susukan kasama ang kanilang mga tauhan sa dalampasigan ng Basilan.
Hindi naman tinukoy ng mapapanaligang source kung kailan dumating ang grupo nina Robot at Susukan sa Basilan.
Gayunman, sakaling maayos umano ang gusot sa pagitan ng mga nabanggit na rebelde ay tiyak na magtutulungan ang mga ito na makipaglaban sa tropa ng pamahalaan na nagpupumilit namasagip ang mga hostages. (Ulat ni Joy Cantos)