^

Bansa

Sabaya hinahanting nina Kumander Robot at Susukan

-
Hinahanting ngayon ni Abu Sayyaf Sulu based Commanders Ghalib Andang alyas Robot at Lujib Susukan si Basilan based ASG spokesperson Abu Sabaya dahil sa pangta-traydor umano nito sa kasunduan nila hinggil sa hatian ng hostages gayundin ang partehan sa ransom mula sa 20 kataong kinidnap sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa City, Palawan kamakailan na itinago sa lalawigan ng Basilan.

Ito ang ibinunyag kahapon ng isang opisyal ng militar na tumangging magpabanggit ng pangalan.

Dahil dito, pinangangambahan ang madugong pagsasagupa sa pagitan ng grupo ni Commander Robot at Sabaya matapos na traydurin umano ng huli ang naturang ASG Sulu based officials kung hindi maisasaayos ang namuong hidwaan sa pagitan ng magkabilang panig.

Base sa intelligence report, pumuslit na patungong Basilan ang grupo ni Robot at Susukan kasama ang tinatayang daan-daang tauhan upang hanapin at komprontahin si Sabaya at grupo nito upang linawin kung bakit hindi tumupad ang huli sa kanilang kasunduan.

Lulan umano ng speedboats na kargado ng malalakas na kalibre ng armas at bala ng dumaong sina Robot at Susukan kasama ang kanilang mga tauhan sa dalampasigan ng Basilan.

Hindi naman tinukoy ng mapapanaligang source kung kailan dumating ang grupo nina Robot at Susukan sa Basilan.

Gayunman, sakaling maayos umano ang gusot sa pagitan ng mga nabanggit na rebelde ay tiyak na magtutulungan ang mga ito na makipaglaban sa tropa ng pamahalaan na nagpupumilit namasagip ang mga hostages. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SABAYA

ABU SAYYAF SULU

BASILAN

COMMANDER ROBOT

COMMANDERS GHALIB ANDANG

DOS PALMAS RESORT

JOY CANTOS

LUJIB SUSUKAN

PUERTO PRINCESA CITY

SUSUKAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with