Ayon kay Social Welfare and Development Field 9 Director Parisya Taradji, wala umanong commercial airlines na pumapayag na isakay ang naturang mga bangkay patungong Maynila dahilan sa mabaho na ang mga ito bunga na rin ng hindi maayos na pag-eembalsamo sa mga bangkay.
Hinihintay na lamang ng lokal na pamahalaan dito ang pagkakataong maisakay sa C-130 plane ng militar ang mga bangkay nina Dacquero at Bayona.
Dahil dito, binatikos ng ilang himpilan ng radyo si Presidential Assistant for Mindanao Jesus Dureza dahil sa umanoy pagwawalang-bahala na tumulong na mailipad ang mga bangkay patungong Maynila kung saan naghihintay ang mga pamilya nito.