P5M pangako ng Malacañang sa nakapatay sa Commander ng Sayyaf naging P1M

Hindi natupad ang naunang pangako ng Malakanyang na P5 milyong pabuya sa pamilya ni retired Col. Fernando Bajet na nakapatay sa isang kumander ng Abu Sayyaf.

Ayon kay DSWD Secretary Dinky Soliman, isang milyong piso lamang ang ibinigay dahil ang napatay na si Abu Sayyaf Commander Yusop ay hindi kilalang lider ng bandido at maliit na grupo lamang ang pinamumunuan nito.

Samantala sa halip na matuwa ay nagpahayag ng pagkadismaya ang pamilya Bajet dahil ang inaasahan nito ay P5 milyon ang makukuhang pabuya mula sa gobyerno.

Ang nasabing pabuya ay bahagi ng P100 milyong reward na ipinalabas ni Pangulong Arroyo sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon at makahuhuli sa Abu Sayyaf, buhay man o patay. Ang isang lider ay may katapat na P5 milyon at P1M sa bawat miyembro. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments