BIR naalarma sa target na collection
Naalarma ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa naging pagkabigo ng ahensiya na malikom ang target collection nito sa unang apat na buwan ng taong kasalukuyan. Sa isang panayam, sinabi ni BIR deputy commisioner Lilia Hefti, kailangan nang makipagtulungan ng husto ng publiko na bayaran ng tama ang kanilang tax obligation sa pamahalaan upang mapunan ang pangangailangang target collection ngayong taon.Sinabi ni Hefti, sa kabuuang P408 bilyon na target collection ngayong 2001, umaabot pa lamang sa sa P138 bilyon ang nakokolekta ng BIR hanggang buwan ng Abril ng taong kasalukuyan. May P 6.5 bilyon anya ang kakulangan sa koleksyon ng BIR mula Enero hanggang Abril ng taong ito kaya’t kailangan nang marekober ang malaking kawalan sa collection. Bukod dito, sinabi din ni Hefti na ang hindi pa lubusang pagco-computerized ng ahensiya sa sistema ng pagkolekta ng buwis ang isang dahilan kung bakit patuloy na bumaba ang tax collection. (Ulat ni Angie dela Cruz)