^

Bansa

FBI-trained negotiator, ipinadala ng PNP sa Basilan

-
Nagpadala na rin kahapon ng emisaryo na nagpakadalubhasa pa sa Federal Bureau of Investigation (FBI) sa bansang Amerika ang Philippine National Police (PNP) sa Basilan para makipagnegosasyon sa mga bandidong Abu Sayyaf para sa pagpapalaya sa nalalabing mga bihag nito.

Kinumpirma ni PNP chief director Gen. Leandro Mendoza ang pagpapadala sa FBI-trained negotiator na hindi kinilala at tinukoy lamang sa ranggo nitong colonel at isang dalubhasa sa "hostage management crisis."

Ayon kay Mendoza, ang hakbang ay may pakikipagkoordinasyon sa AFP.

Tiwala naman si Mendoza na magiging matagumpay ang misyon ng bagong negosyador na ito.

Una rito, itinalaga ng Malakanyang si William Castillo bilang tagapamagitan sa mga bandido para makipagnegosasyon sa kalayaan ng mga hostages ng walang ransom. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF

AMERIKA

AYON

BASILAN

FEDERAL BUREAU OF INVESTIGATION

JOY CANTOS

KINUMPIRMA

LEANDRO MENDOZA

MENDOZA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

WILLIAM CASTILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with