TRO sa proklamasyon ng 13 senador, inihain
June 5, 2001 | 12:00am
Naghain kahapon ng petisyon sa Manila Regional Trial Court ang isang partidong pulitikal upang pigilan ang nakatakdang proclamation ng Commission on Election sa top 13 senatorial candidates.
Ayon kay Atty. Rodolfo Pajo, legal counsel ng Isang Bansa Isang Diwa na may legal na basehan para magpalabas ng temporary restraining order ang korte na pigilin ang proclamation ng Comelec.
Nabatid pa na ituloy man ng National Board of Canvasser ang pagdedeklara ng mga nagwaging kandidato sa pagka senador ay maituturing din itong null and void, dahil ang proseso ng election ay iligal at nababahiran ng iregularidad mula sa simula, paliwanag pa ni Atty. Pajo dahil ito ay labag sa Constitution batay sa probisyong: "no one can be deprive of his rights, lives and properties without due process".
Sinabi naman ni Eddie Gil standards bearer ng Isang Bansa... na naniniwala siyang kakatigan sila ng Comelec dahil sa simula pa lamang ay alam na nila na mayroon nang nakahaing mga reklamo at demanda kaugnay sa nakaraang senatorial election na humihiling na ideklara itong failure of election at pagpapatigil sa ginagawang canvassing sa Philippine International Convention Center.
"Alam ni Comelec chairman Alfredo Benipayo itong kasong ito kaya hindi siya (Benipayo) nag-proklama noong nakaraang Biyernes", ani Gil. Ito umano ang dahilan kung kaya hindi siya kasama sa mga sinampahan ng kaso ng Partidong Isang Bansa Isang Diwa ngunit idedemanda siya kung itutuloy ang pagpoproklama.
Sinasabing maituturing na ground for disqualification ang proclamation dahil ang election ay nagkaroon ng ilegal na proseso. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 6 hours ago
By Doris Franche-Borja | 6 hours ago
By Ludy Bermudo | 6 hours ago
Recommended