13 nanalong senador ipoproklama ngayon
June 5, 2001 | 12:00am
Nakatakdang iproklama ngayong araw na ito ang 13 nagwaging senador sa katatapos na halalan matapos magpasya ang National Board of Canvassers kahit hindi pa nakukumpleto ang bilangan sa natitirang isang certificate of canvass mula sa lalawigan ng Lanao del Sur.
Ayon kay Comelec Commissioner Resurrecion Borra, gagawin ang proklamasyon sa Westin Philippine Plaza Hotel sa PICC complex dakong alas-2:30 ngayong hapon.
Sa pinakahuling audited tabulation result ng Comelec nanalo sina Noli de Castro, Juan Flavier, Serge Osmeña, Ramon Magsaysay Jr., Joker Arroyo, Manuel Villar, Francis Pangilinan, Edgardo Angara, Panfilo Lacson, Loi Ejercito, Ralph Recto at Gregorio Honasan.
Sa sandaling matapos ang proklamasyon sa mga nanalong senador ay agad na isusunod ang party-list.
Sa pinakahuling tabulation, nangunguna pa rin ang Bayan Muna na sinundan ng MAD at APEC.
Gumastos ang Comelec ng kabuuang P2.448-M sa pagrenta sa PICC sa upang P144 bawat araw. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am