22 katao ang hinatulan ng kamatayan noong Mayo
June 4, 2001 | 12:00am
Dalawamput-dalawang katao kabilang ang isang babae ang nahatulan ng kamatayan noong nakalipas na buwan at sa kasalukuyan ay umaabot na sa 1,768 ang nasa death row, ayon kay Sen. Loren Legarda.
Sa 22 ang 14 dito ay nahatulan sa kasong panghahalay, ang anim ay sa kasong pagpatay, isa naman ay kasong drug trafficking at ang isa ay kidnapping.
Ilang sa mga nahatulan ng kamatayan ay isang lalaki na pumatay ng isang professor sa University of the Philippines College of Law sa Marikina City at isang bus driver naman ang nahulihan ng isang kilong shabu na nagkakahalaga ng P2-M.
Sa nahatulan ng kamatayan dahil sa kasong rape, anim ang ama dito na humalay sa kanilang mga anak kaya umabot na sa 920 ang nasa death row sa kasong panghahalay. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended