^

Bansa

2 DECS Regional Directors, 2 principals sinuspinde ni Roco

-
Sinuspinde kahapon ni Education Secretary Raul Roco ang dalawang Regional Directors at dalawa pang principal ng kagawaran dahil sa tahasang pagtanggi ng mga itong sumunod sa ipinag-utos niyang pagpapahinto sa pagsingil sa mga mag-aaral ng iba’t ibang bayarin ngayong pasukan.

Nakilala ang mga nasuspinde na sina Belen Magsino, Regional Director ng Region IV at Victorino Tirol, ng Region VI. Hindi naman nabanggit ang pangalan ng dalawang principal na buhat rin sa dalawang rehiyon dahil sa magiging desentralisado ang pagsususpinde sa mga ito na maaring ipag-utos ng Asst. Regional Directors.

Ang kautusan ay matapos na makatanggap ng mga ulat buhat sa mga magulang si Roco sa patuloy na puwersahang paniningil sa mga paaralan sa dalawang rehiyon ng PTA fees, Boy at Girl Scout, Anti Tuberculosis fee, Red Cross at school paper fee.

Naringgan naman ni Roco si Magsino sa isang radyo na naghahamon pa sa mga magulang na isumbong siya sa kalihim kaya naging mabilis ang pagsuspinde sa kanya.

Naging maayos naman sa pangkalahatan ang unang araw ng klase sa buong bansa kung saan naglibot si Roco sa apat na paaralang elementarya sa Metro Manila.

Unang tinungo nito ang Fairview Elementary School at North Avenue Elementary School sa Quezon City; sumunod ang Paaralang Aurora A. Quezon sa Malate, Manila at ang Timoteo Paez Elementary School sa Pasay City.

Inulan ng sari-saring reklamo si Roco sa mga magulang dahil sa patuloy na paniningil partikular na ang PTA fee na agad na iginiit ng kalihim na i-refund. (Ulat ni Danilo Garcia)

ANTI TUBERCULOSIS

BELEN MAGSINO

DANILO GARCIA

EDUCATION SECRETARY RAUL ROCO

FAIRVIEW ELEMENTARY SCHOOL

REGIONAL DIRECTORS

ROCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with