Erap sabik makita ang panunumpa ni Loi
June 2, 2001 | 12:00am
Sabik na umano si dating Pangulong Estrada na makita ang panunumpa ng kanyang asawang si dating Unang Ginang Dr. Loi Ejercito matapos makumpirmang kabilang ito sa sigurado nang nanalo sa katatapos na senatorial elections.
Kaya naman nakatakdang hilingin sa Sandiganbayan na bigyang laya siya na masaksihan ang napakahalagang araw na ito para sa kanyang kabiyak.
Sa panayam kay Atty. Rufus Rodriguez, legal counsel ng Puwersa ng Masa, isang tradisyon na isinasagawa ng sinumang mahihirang o elected na kasama ang kanyang pamilya sa araw ng oath of office at karapatan umano ni Estrada at anak nitong si Jinggoy na makadalo sa napakaimportanteng family affair na ito.
Sinabi ni Rodriguez na magsasagawa ng tamang mosyon ang mga abogado ni Estrada at dapat anyang ikonsidera ng Sandiganbayan ang pagsusumite ng mosyong ito. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest