Ayon kay Col. Jose Mendoza, AFP deputy chief for Civil Military Operation, nabawi ang kuta ng ma bandido dakong alas-2:30 ng hapon kahapon sa Bgy. Pegengan sa Tuburan.
Kamakalawa ay sinalakay din ng mga elemento ng Joint Task Force (JTF) Comet ang pinagkukutaan ng mga bandido sa isang liblib na lugar sa bayan ng Panglima Estino, Sulu pero bigo ang tropa ng pamahalaan na matagpuan ang 20 hostages.
Sinabi ni Brig. Gen. Romeo Dominguez, commander ng JTF Comet, nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Bravo Company ng 5th Infantry Batallion (IB) ng Phil. Army matapos makatanggap ng impormasyon na namataan ang mga hostages na tinangay ng mga bandido sa bulubundukin at magubat na bahagi ng Sitio Kambatong, Bgy. Gat Gata sa bayan ng Panglima Estino.
Natagpuan sa inabandonang kuta ang naiwang pagkain at mga higaan na hindi na nagawang tiklupin ng mga umukopa na hinihinalang Abu Sayyaf at hostages na mabilis nagsialis sa nasabing lugar ng matunugan ang papalapit na govt troops.
Samantala, 500 pamilya ang nagsilikas na sa tatlong barangay sa Tuburan.
Ang mga evacuees ay mula sa villages ng Pegengan, Buhi Besi at Upper Sinangcapan. (Ulat nina Joy Cantos at Roel Pareño)