"Sabik na sabik kami, gusto kaming makalaban sa US troops, dagdagan nyo kamo, mag-reinforce sila kung gusto nila. Akala siguro nila matakot kami. Welcome to the party. Kahit na pupunta dito ang US troops, yon ang gusto naming makalaban," wika ni Sabaya sa panayam.
Minaliit din ng Abu Sayyaf ang P100-million bounty na inialok ni Pangulong Arroyo. "Well, masyadong kuripot ang gobyerno, alam mo kung magkano ang dinadamage namin sa Philippine government? Billion, pagkatapos P100-million lang ang reward?" sabi ni Sabaya.
"Pero ito ang tandaan niyo, hindi nyo to makukuha sa labanan, ilang presidente na panahon pa ni Ramos, Erap hanggang ngayon ni Gloria, babae lang siya," sabi pa ni Sabaya.