^

Bansa

Supplemental budget sigurado na; power bill malabong pumasa

-
Pumasa kahapon sa House committee on appropriations ang panukalang P10.9 supplemental budget para sa taong 2001 at inaasahang maipapasa ito ng Kongreso sa ikatlo at pinal na pagbasa sa pagpapatuloy ng isinasagawang special session.

Kung tuluyang maisasabatas ang supplemental budget, makasisiguro ang nasa 1.1 milyong manggagawa sa gobyerno na maipatutupad sa darating na Hulyo ang kanilang 5% pagtaas sa sahod; P1.45 billion salary adjustment para sa PNP personnel at P500 milyon karagdagang benefits para sa mga beterano.

Samantala, malabo namang pumasa ang kontrobersiyal na Omnibus Power Bill dahil sa dami ng mga kongresistang sumasalungat dito.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, marami sa mga kongresista ang hindi pabor sa panukala at marami rin ang hindi nakakaintindi kung ano talaga ang nilalaman ng nasabing power bill. Ibinunyag ni Salceda na hindi totoong gagaan ang pasanin ng mga mamamayan sa pagbabayad ng kuryente dahil kahit akuin ng gobyerno ang P200 billion sa P450 billion stranded liabilities ng Napocor, babawiin naman ito ng pamahalaan sa mamamayan sa pamamagitan ng pagpapataw ng panibagong pagtataas sa singil ng buwis. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ALBAY REP

AYON

HULYO

IBINUNYAG

JOEY SALCEDA

KONGRESO

MALOU RONGALERIOS

NAPOCOR

OMNIBUS POWER BILL

PUMASA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with