Lahat ng bihag totodasin - Abu
May 29, 2001 | 12:00am
Mass killing sa 20 bihag!
Ito ang banta kahapon ng mga bandidong Abu Sayyaf bilang tugon sa pahayag ni Pangulong Arroyo na pauulanan ng bala ang mga bandido sa sandaling hindi palayain ang mga bihag.
Ayon kay Abu Sayyaf spokesman Abu Asmad Salayuddi alyas Abu Sabaya sa panayam sa local radio dxRZ ng Radio Mindanao Network, handa sila sa mass suicide at hindi mangingiming pumatay ng mga hostage sakaling makorner sa ilulunsad na opensiba ng military.
Ang pahayag ay makaraang ipakalat na ng Armed Forces of the Philippines ang ilang batalyon ng Army, Navy at special forces ng Marines para muling galugarin ang mga pinaghihinalaang pinagtataguang lugar ng bandido sa Basilan at Sulu.
Inamin ni Sabaya na nararamdaman na nila ang pressure, pero kapag ginipit umano sila nang husto ay maglulunsad sila ng mass killing.
Matatandaan na ilang ulit nang nagbanta at tinotoo ng mga Abu Sayyaf ang kanilang pagpatay sa mga bihag nito, kabilang ang paring si Fr. Roel Gallardo at lima pang kasamang guro.
Samantala, minomonitor pa rin ang mga lugar sa Sulu at Basilan na maaaring pagkublihan ng mga bandido. May ulat na namataan ang mga ito kasama ang mga bihag sa bayan ng Panglima Estino sa Sulu, pero ng beripikahin ng ground military intelligence ay negatibo ang resulta.
Sa Malakanyang, agad nagpatupad ng news blackout sa isinasagawang operasyon ng AFP at PNP.
Sa ginanap na regular media conference, hiningi ng Pangulo sa mga mamamahayag na makipagtulungan sa pamahalaan at huwag nang magpilit na magpunta sa lugar na pinagkukutaan ng Abu Sayyaf para makaiwas na makaragdag pa sa kasalukuyang problema gaya ng nangyari sa Sulu hostage crisis kung saan dalawang mamamahayag ang binihag ng ASG.
Saklaw ng news blackout ang pagbabawal sa mga himpilan ng radyo at telebisyon na kapanayamin ang mga opisyal at miyembro ng ASG.
Nakiusap ang Pangulo sa media na unawain kung gaano kaselan ang ginagawa ng military operation. "Mahalaga ang secrecy sa ganitong operasyon para masorpresa ang kalaban. Kung maaari ay iwasan muna ang mga lugar kung saan may ginagawang rescue operation ang military," pakiusap pa ng Pangulo.
Handa rin ang Pangulo na dagdagan pa ang P100 million pabuya sa ikaaaresto ng mga ASG members at ligtas na paglaya ng mga bihag.
"Alam ko na ang pananaw ng Abu Sayyaf ay pera-pera lang. Ganon pa man, wala silang maasahan sa ating pamahalaan. Walang ransom money na darating sa kanila at kung kinakailangan handa akong dagdagan ang P100 milyong gantimpala na aking ipinag-utos para sa utak ng Abu Sayyaf," wika ng Pangulo.
"Kaya sa mga Abu Sayyaf, mabuti pa pakawalan na lamang ninyo ang mga dinukot niyo habang may panahon pa. Kung hindi uulanin kayo ng mga bala," babala pa ng Pangulo. (Mga ulat nina Joy Cantos,Lilia Tolentino at Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 10 hours ago
By Doris Franche-Borja | 10 hours ago
By Ludy Bermudo | 10 hours ago
Recommended