^

Bansa

Special session ng Kamara simula ngayon

-
Ngayong araw na ito ay pasisimulan ang limang araw na special session ng Mababa at Mataas ng kapulungan ng Kongreso upang aprubahan ang panukalang P10.9 bilyon supplemental budget at ang kontrobersiyal na Power Sector Restructing Bill.

Tiwala naman si outgoing Speaker at Quezon City Mayor -elect Feliciano Belmonte Jr., na magkakaroon ng quorom dahil sa dadalo ang lahat ng congressman para ipagpatuloy ang kanilang trabaho.

Binigyan ng kasiguraduhan ni Belmonte ang Malacañang na maaaprubahan ang panukalang budget.

Ang mga civil society groups naman na sumusuporta sa pamahalaang Arroyo ay balak umanong harangin ang power bill dahil wala namang katiyakan na kapag ito ay naging batas ay makakatutulong para mabawasan ang bayad sa kuryente.

Ang power bill kung maaprubahan ay siyang magiging daan para sa pagsasapribado ng National Power Corporation (Napocor).

Plano ng gobyerno na ibenta ang Napocor sa bargain price na $4.5 bilyon at ang pagbebentahan ay gagamitin pambayad sa utang ng Napocor na $ 6.7 bilyon.

Nakatakda namang pasanin umano ng mga consumers ang mga loan ng Napocor na nagkakahalaga ng $ 2.2 bilyon. (Ulat ni Jess Diaz)

BELMONTE

BINIGYAN

FELICIANO BELMONTE JR.

JESS DIAZ

KONGRESO

MABABA

NAPOCOR

NATIONAL POWER CORPORATION

POWER SECTOR RESTRUCTING BILL

QUEZON CITY MAYOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with