^

Bansa

Luneta Boardwalk, isinantabi

-
Walang ibang magiging landmark sa Luneta park kundi ang monumento ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal matapos magdesisyon ang Department of Tourism na isantabi muna ang konstruksyon ng kontrobersiyal na "Luneta Boardwalk".

Ayon kay Tourism secretary Richard Gordon kaya niya ipinatigil ang nasabing proyekto para ang pondo na ginagamit sa konstruksyon nito ay gamitin na lamang sa mga promotional activities.

Naghahanap si Gordon ng isang pribadong kompanya na interesado sa pagpapatuloy at makumpleto ang multi-million project.

Mas kailangan umano ng pamahalaan ang pondo ng nasabing project sa mga promotional activities para maraming maakit na turista na magtungo sa bansa.

Umaabot na P400 milyong piso ang proyektong ito ng Philippine Tourism Authority (PTA) na matatapos sana ngayong taong ito.

Hinahalintulad ni Gordon na sa ibang bansa katulad ng Thailand, Hongkong at Singapore kung ikukumpara sa pera natin ay gumagastos lamang ng P70 milyon at nagtutungo sa kanilang bansa ay 10 milyong turista.

Susuriin naman ni Gordon kung mababawasan ang halaga ng proyekto at kung nasa ayos ng ito ay aprubahan. (Ulat ni Mayen Jaymalin)

AYON

DEPARTMENT OF TOURISM

DR. JOSE RIZAL

GORDON

HINAHALINTULAD

LUNETA

LUNETA BOARDWALK

MAYEN JAYMALIN

PHILIPPINE TOURISM AUTHORITY

RICHARD GORDON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with