^

Bansa

Dahil sa kidnapping: Kasalang Aga-Charlene hindi sisiputin ni GMA

-
Kinansela ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang pangunahing sponsor ang pagdalo nito sa kasalang Aga Muhlach at Charlene Gonzales na nakatakdang idaos ngayong araw na ito sa Baguio City.

Ayon kay Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, nagdesisyon ang Pangulo na kanselahin ang pagtungo nito sa nasabing kasalan sanhi ng panibagong insidente ng kidnapping at tanging si First Gentleman Mike Arroyo ang magiging kinatawan nito.

Ikinatuwiran ni Tiglao na nais ng Pangulo na personal nitong bantayan ang ginagawang pagkilos ng militar at pulisya upang mailigtas ang 21 katao kabilang ang tatlong Amerikano.

Kahapon ay handa na sana ang Pangulo na magtungo sa Baguio City at sa katunayan ay naitakda na itong magpalabas ng opisyal na iskedyul para tumungo sa kasalan ng dalawang artista na gaganapin sa St. Joseph the Worker Church, Pacdal Road, Baguio City.

Galit na galit at kinokondena ng Pangulo ang nasabing insidente kaya naman inuutos na tugisin ang mga bandidong Abu Sayyaf Group na sinamantala ang pagiging abala ng militar at pulisya sa pagmamantine ng katahimikan sa nakalipas na eleksyon.

Pananatiliin ng pamahalaan ang no negotiation policy at no ransom policy sakaling humingi ng demand ang mga ASG. (Ulat ni Ely Saludar)

ABU SAYYAF GROUP

AGA MUHLACH

BAGUIO CITY

CHARLENE GONZALES

ELY SALUDAR

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

PACDAL ROAD

PANGULO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN RIGOBERTO TIGLAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with