^

Bansa

Teachers nakuha sa pakiusap umatras sa bantang nationwide strike

-
Umatras ang higit sa nakararaming miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) of the Philippines sa plano nitong pagboykot sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 4 sa pakiusap na rin ng ibang kapwa guro.

Ayon kay Eric Torres ng ACT, kung ang dahilan lamang ng kanilang gagawing pagboykot ay tungkol sa hindi pa pagbabayad sa kanila ng P900 allowance nitong nakalipas na eleksiyon, ito umano ay mababaw na dahilan. Sakaling ituloy ng mga guro ang kanilang balak na nationwide strike ay higit na malaking suliranin ang maaaring kaharapin ng mga mag-aaral.

Sinabi pa ni Torres na ang pagiging guro ay hindi maituturing na isang propesyon kundi ito ay isa nang bokasyon.

Nanawagan si Torres sa mga teacher na kaunting tiis at sakripisyo na lamang dahil malapit na nilang makuha ang allowance.

Sa kabila nito, nagpahayag si Raymund Villanueva mula sa hardline group ng ACT na kanilang itutuloy ang planong strike at sasabay sa welga ng transport groups kahit pa umatras ang kanilang mga kasama. (Ulat ni Andi Garcia)

ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS

ANDI GARCIA

AYON

ERIC TORRES

HUNYO

NANAWAGAN

RAYMUND VILLANUEVA

SAKALING

SINABI

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with