Ayon kina Biliran Rep. Gerardo Espina at Surigao del Norte Rep. Prospero Pichay, ang two-party system ang pipigil sa papasok na mga "payaso" at walang kakayahan sa pagbubuo ng Kongreso ng sambayanan.
Sang-ayon ang dalawa sa pagtanggal ng limitasyon sa termino at sa pagbabasura sa party-list system.
Lubha anilang kailangan ang pagbabalik ng sistemang ito para maresolba ang pang-ekonomiya at pampulitikang suliranin sa bansa. (Ulat ni Malou Rongalerios)