Boto mula sa ARMM, magdedesisyon ng nanalong senators at party list
May 25, 2001 | 12:00am
Inamin ng Commission on Elections (Comelec) na ang mga boto na manggagaling sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang makapagbibigay linaw kung sino ang mga nanalong senador at party list.
Bagamat umaabot na sa mahigit 70% ang nabibilang na mga certificate of canvass sa kabuuang 102 ayon pa kay Comelec Commissioner Resurrecion Borra, maaari pang mabago ng milyong boto ng ARMM ang 8-4-1 trending sa kasalukuyan.
Sinabi ni Borra na marami pang mga barangay sa ibat ibang lalawigan ng Lanao at Maguindanao ang magsasagawa ng special elections sa Mayo 30 matapos magdeklara ng failure of elections sa naturang mga lugar.
Gayunman, sinabi ni Borra na ang resulta sa ARMM ay hindi maikokonsiderang kagustuhan ng mga mamamayan dahil na rin umano sa vote-buying. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am