^

Bansa

Ratipikasyon ng power reform bill apektado ang Napocor employees

-
Inamin kahapon ni Energy Secretary Jose Isidro Camacho na mayroon nang mga empleyado ng National Power Corporation ang maaaring mawalan ng trabaho sa sandaling isapribado na ang Napocor sa ilalim ng panukalang Power Reform Bill na nakatakdang pagtibayin sa espesyal na sesyon ng Kongreso sa Mayo 28-30.

Bagaman hindi sinabi ni Camacho kung ilang manggagawa ang maaapektuhan sa napipintong privatization ng Napocor, malaki ang posibilidad na ang ibang kawani ay mabigyan din ng trabaho sa bagong magmamay-ari ng Napocor.

Sinabi ni Camacho na ang mga apektadong empleyado ay hindi dapat mangamba dahil may nakahandang pondo ang Napocor para sa kanilang benepisyo.

Ang pahayag ay ginawa ni Camacho kaugnay ng pahayag ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na tututulan nila ang pagpapatibay ng Power Reform Bill dahil bukod sa hindi naman ito makapagbabawas sa singil sa kuryente, libu-libong manggagawa ang mawawalan ng trabaho.

Subalit sinabi ni Camacho na bagaman nirerespeto niya ang opinyon ng KMU, ang pagpapatibay ng panukalang batas na ito ay makapagbabawas ng 25-30 sentimo bawat kilowatt hour sa singil sa kuryente.

Siniguro naman ni Senate President Aquilino Pimentel na magiging mabunga ang apat na araw na special session ng Kongreso dahil sa nakatakdang pagpasa sa kontrobersiyal na power reform bill.

Ang naturang bill ay naglalayong maibenta ang mga generating assets ng Napocor na pag-aari ng pamahalaan para hindi na ang gobyerno ang magbayad sa maintenance at operations nito.

Nagbabala naman ang Malakanyang na muling daranas ng malawakang brownout ang buong bansa kung hindi mapagtitibay ng Kongreso ang panukalang power bill.

Kung mabibigo umano ang dalawang kapulungan ng Kongreso na palusutin ito ay mag-aatrasan ang mga investor at walang papasok na mamumuhunan sa power sector. (Mga ulat nina Lilia Tolentino, Ely Saludar at Doris Franche)

CAMACHO

DORIS FRANCHE

ELY SALUDAR

ENERGY SECRETARY JOSE ISIDRO CAMACHO

KILUSANG MAYO UNO

KONGRESO

LILIA TOLENTINO

NAPOCOR

NATIONAL POWER CORPORATION

POWER REFORM BILL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with