^

Bansa

Payo ni Ople sa talunang kandidato: Mag-concede na kayo

-
Pinatunayan kahapon ng People Power Coalition (PPC) na nagkakaroon ng dayaan sa isinasagawang bilangan ng mga balota nang ipakita nila sa media ang mga hawak nilang ebidensya.

Ayon kay Dodie Limcaoco, spokesman ng PPC, nangyari ang malawakang dayaan sa Northern Samar kung saan ‘tampered’ umano ang kopya ng mga Certificates of Canvass na nakarating sa COMELEC.

Ipinakita ni Limcaoco ang hindi magkakatugmang serial numbers ng Certificate of Canvass na mula sa Northern Samar na pinaniniwalaang isinulat ng isa hanggang dalawang tao lamang.

Kaugnay nito, naghain kahapon ang PPC ng isang petisyon sa COMELEC na humihiling sa pagbalewala ng eleksyon sa nasabing probinsya.

Ibinunyag pa ni Limcaoco na base sa nakuha nilang impormasyon, umabot sa P35 milyon ang ginastos ng oposisyon para lamang makapandaya sa Northern Samar.

Ang petisyon ay inihain ni Jose L. Ong Jr., ang opisyal na kandidato ng PPC’s sa pagka-gobernador.

Ibinunyag naman ni Emil Ong, coordinator ng PPC coordinator sa Eastern Visayas, na nagkaroon ng malawakang brown-out sa nasabing probinsya noong gabi ng May 14 na nagtagal hanggang kinabukasan ng May 15.

Nangyari umano ang pandaraya at pagpapalit ng mga tampered election returns nang magkaroon ng brown-outs.

Maging si Joker Arroyo na iniidolo umano ng mga taga-Samar dahil sa kanyang naging papel sa impeachment trial ay walang nakuha kahit isang boto sa tampered tally sheet, samantalang si Ombra Tamano ng Puwersa ng Masa na hindi naman kilala sa nasabing probinsya ay nakakuha ng 20 hanggang 30 boto. (Ulat ni Malou Rongalerios)

CERTIFICATE OF CANVASS

CERTIFICATES OF CANVASS

DODIE LIMCAOCO

EASTERN VISAYAS

EMIL ONG

IBINUNYAG

NORTHERN SAMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with