Pagpapauwi ng OFWs sa Brunei gagastusan ng gobyerno
May 18, 2001 | 12:00am
Gagastusan ng pamahalaan ang pagpapabalik sa bansa ng mahigit 160 overseas Filipino workers (OFWs) sa Brunei na naipit sa nagaganap na sigalot sa pagitan ng kanilang Malaysian employer.
Ayon kay Labor Secretary Patricia Sto. Tomas, nakikipagnegosasyon na ang Philippine Overseas Labor Officers (POLOs) sa gobyerno ng Brunei para sa pagpapauwi ng mga manggagawang Pinoy na pawang nagtatrabaho sa isang garment factory matapos pumayag ang employer sa isang kasunduan.
Inirereklamo ng mga Pinoy dito ang paglabag sa pinirmahang kontrata kasama na ang underpayment ng kanilang sahod, sobrang taas ng deduction sa kanilang placement at broker fees at diskriminasyon.(Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest