^

Bansa

Bagong pandaraya binunyag ng PPC

-
Isang opisyal ng People Power Coalition ang nagbunyag na nagsisimula na ang bagong pandaraya na kung tawagin ay " bawas-bawas" na ang layunin ay bawasan ang botong nakuha ng mga kandidato ng administrasyon.

Ayon kay Dodie Limcaoco, tagapag-salita ng PPC, hindi na "dagdag-bawas" ang ginagawang pandaraya ng mga nais magmanipula sa resulta ng eleksyon.

Sinabi ni Limcaoco na binabawasan ang kabuuang bilang ng boto ng isang kandidato ng administrasyon upang hindi ito makapasok sa mga mananalong senador at mapalitan ng mga kandidato ng oposisyon. Partikular umanong target ng " bawas-bawas" ay sina Tañada, Recto, Kiko at Obet.

Dinagdag pa ni Limcaoco na nagbabayad umano ang Puwersa ng Masa na mula sa P1 hanggang P5 milyon sa ilang opisyal ng Comelec kaya umano "umuulan " ng pera partikular sa Mindanao at Ilocandia. Samantala, nagbabala naman ang Department of Justice sa lahat ng kandidato at opisyal ng pamahalaan na sasampahan nila ng mabigat na kaso kung mapapatunayan ang mga ito sa dayaan.

Ginawa ni Justice Secretary Hernando Perez ang babala matapos mabalitaan na napakaraming incumbent officials at kasalukuyang kandidato ang nagsasagawa ng pandaraya para lang manalo sa eleksyon. (Ulat nina Malou Rongalerios at Grace Amargo)

AYON

COMELEC

DEPARTMENT OF JUSTICE

DODIE LIMCAOCO

GRACE AMARGO

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

LIMCAOCO

MALOU RONGALERIOS

PEOPLE POWER COALITION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with