Bukod sa pambabrasong ito, binatikos din ng PnM ang sunud-sunod na brownouts sa maraming lugar na kilalang balwarte ng oposisyon kamakalawa at ang naunang pagtatangka ng mga umano’y kakutsaba ng Malakanyang na suhulan ng P200,000 ang mga opisyal ng barangay sa pamamagitan ng community project kapalit ng 13-0 win pabor sa PPC.
Nagduda rin ang PnM sa ginagawang quick-count ng AMA Computer College kasama ang ibang media organizations na ayon dito, pumapabor sa PPC candidates at inirekomenda nito na imbestigahan ang nasabing "partisan leanings" ng AMA. Nabatid na may business interest dito si ex-PNP chief Roberto Lastimoso na maaaring maimpluwensiyahan ang quick count at maapektuhan ang posisyon ni PnM candidate Panfilo Lacson sa ranking nito. "Ang lahat ng ito ay malinaw na bahagi ng plano ng administrasyon na agawin sa oposisyon at sa mamamayang Pilipino ang kanilang panalo sa halalan ngayong taon," pahayag ni PnM spokesman Crispin Remulla.