Loi ibinoto dahil sa awa
May 15, 2001 | 12:00am
Dahil sa sympathy votes o awa kaya marami umano ang bumoto kay dating Unang Ginang Loi Estrada, partikular sa Kalakhang Maynila.
Ayon kay Paul Aquino, political campaign director ng People Power Coalition, nagkatotoo ang tinatawag na sympathy votes sa panig ng dating Unang Ginang.
Partikular na naging dahilan umano ng sympathy votes ang pagkakakulong ni dating pangulong Estrada na naging daan upang maraming mamamayan ang maawa kay Dra. Loi.
Subalit sinabi din ni Aquino na kumpara kay Estrada ay mas may kredibilidad naman ang asawa nito dahil isa itong doktora.
Ayon pa kay Aquino, parang walang natutunang aral ang karamihan sa mga Pilipino sa mga nakaraang pangyayari sa bansa. "Akala ko, natuto na tayo, partikular doon sa nangyari noong Mayo 1, pero hindi pa rin pala," ani Aquino na ang tinutukoy ay ang hindi inaasahang pagboto ng mga mamamayan sa mga kandidato ng pinatalsik na dating pangulong Estrada. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest