Disinformation campaign ng oposisyon, binatikos ng PPC
May 15, 2001 | 12:00am
Inakusahan kahapon ng People Power Coalition (PPC) ang oposisyon na kaalyado ni dating Pangulong Estrada sa pagpapakalat ng disinformation campaign upang magulo ang mga botante.
Ayon kay PPC spokesman Dodi Limcaoco, biglang kumalat kahapon ang mga text messages na nagsasabing pinahaba ang oras ng botohan mula alas-3 hanggang alas-5 ng hapon.
Ipinaliwanag ni Limcaoco na layunin ng disinformation campaign na lituhin ang mga botante partikular na ang mga nasa Class A at B bracket upang hindi sila makaboto.
Ang A at B voters umano na karamihan ay mayroong mga kotse ay mas pinipiling bumoto pagdating ng hapon kung saan kakaunti na lamang ang mga botante.
Sa kabila ng pagkalat ng nasabing text message ay wala namang ipinalabas na official announcement ang Comelec na nagsabing pinahaba ng dalawang oras ang deadline ng eleksyon.
Layunin ng disinformation na ito na samantalahin ang ‘mamaya na habit’ ng mga Pinoy at mapigilan ang mga botante na makaboto sa tamang oras.
Kumalat din kahapon ang text messages na maaaring isulat na lamang ng mga botante sa kanilang balota ang "13-0 " o "VOT FOR D CHAMMP", na ito ay hindi tinatanggap sa bilangan kaya mababalewala ang boto ng mga ito.
Bukod dito, nagpakalat pa umano ang opisisyon ng mga sample ballots na doon nakalagay ang pangalan ng mga kandidato ng administrasyon, subalit isiningit naman ang pangalan ng ilang kandidato ng oposisyon. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest