^

Bansa

'Bantayan ang balota' - GMA

-
Pangungunahan ngayon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang buong sambayanan upang bumoto para sa mga ihahalal na senador at iba pang opisyal ng pamahalaan sa bansa kasabay ng panawagan na gamitin ang konsensiya at bumoto para sa pagbabago.

Uuwi ngayong umaga ang Pangulo sa kanyang lalawigan sa Lubao, Pampanga upang doon bumoto kung saan ay ang isa sa mga kandidato ay ang kanyang anak na si Mikey bilang Bise Gobernador.

Boboto ang Pangulo sa East Central School sa Precint 1-A sa San Nicholas, Lubao, Pampanga.

Kasabay nito, muling nanawagan si Pangulong Arroyo sa sambayanan na gamitin ang konsensiya sa gagawing pagboto at maging matalino sa pagpili ng mga pulitiko na may lehitimong plataporma at programa para sa taumbayan.

Iginiit ng Pangulo na ang mga Filipino ay nais na bumoto dahil sa paniniwalang ang eleksiyon ang daan para makamit ang pagbabago sa bansa.

Naniniwala rin ang Pangulo na ang eleksiyon ay magsisilbing daan para sa pagkaka-isa upang mapagtuunan ng pansin ang tunay na kalaban partikular ang kahirapan.

Ipinaliwanag pa ni Pangulong Arroyo na kung ang kanyang sinundang pangulo ay nakilalang matulungin sa mahihirap sa pamamagitan ng mga ginampanang papel sa pelikula, siya naman ay maunawain, handang makinig at umaksiyon sa pangangailangan ng sambayanan. (Ulat ni Ely Saludar)

BISE GOBERNADOR

BOBOTO

EAST CENTRAL SCHOOL

ELY SALUDAR

LUBAO

PAMPANGA

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SAN NICHOLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with