Ang nasabing pagkondena ay ginawa ng mamamahayag makaraang iutos ni Pasinos Jr. na i-ban o ipagbawal ang mga mediamen na pumasok sa mga polling precinct sa oras ng botohan sa Mayo 14.
Nabatid na pinulong kahapon ni Pasinos ang mga pulis, mga guro , mediamen at kinatawan ng Commission on Election (Comelec) upang talakayin ang katahimikan sa nalalapit na eleksyon kung saan ay pinigilan nito ang mungkahi ng mga mamamahayag na makapasok para ikober ang isasagawang botohan sa lunsod.
Nag-walk-out naman sa naturang pulong ang ibang opisyales ng NPC na dumalo sa naturang pagpupulong dahil sa tahasang pagbanat ni Pasinos sa media. (Ulat ni Ellen Fernando)