Mediamen ban sa May 14 elections
May 12, 2001 | 12:00am
Binatikos kahapon ng National Press Club (NPC) ang kautusan ni Senior Supt. Nicolas Pasinos Jr., director ng Western Police District, na pagbawalan ang lahat ng mamamahayag na kumober o kumuha ng anumang kaganapan habang idinadaos ang halalan sa darating na Lunes sa lahat ng lugar sa Maynila na nasasakop ng kanyang hurisdiksyon.
Ang nasabing pagkondena ay ginawa ng mamamahayag makaraang iutos ni Pasinos Jr. na i-ban o ipagbawal ang mga mediamen na pumasok sa mga polling precinct sa oras ng botohan sa Mayo 14.
Nabatid na pinulong kahapon ni Pasinos ang mga pulis, mga guro , mediamen at kinatawan ng Commission on Election (Comelec) upang talakayin ang katahimikan sa nalalapit na eleksyon kung saan ay pinigilan nito ang mungkahi ng mga mamamahayag na makapasok para ikober ang isasagawang botohan sa lunsod.
Nag-walk-out naman sa naturang pulong ang ibang opisyales ng NPC na dumalo sa naturang pagpupulong dahil sa tahasang pagbanat ni Pasinos sa media. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended