^

Bansa

P18 B sequestered assets ibebenta

-
Inaasahang aabot sa may P18 bilyon ang maaaring kitain ng gobyerno sa planong pagbebenta ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) sa mga sequestered assets, kabilang na ang mga alahas ng pamilya Marcos kapag tuluyan na itong naaprubahan ng Bureau of Customs.

Ayon kay PCGG Commissioner Jorge Sarmiento, kasalukuyan pa nilang isinasailalim sa imbentaryo ang mga alahas na nakuha sa mga Marcoses at plano nilang i-bid sa mga sosyal na jewelry stores sa ibang bansa tulad ng Christie’s sa US at Sotheby’s sa London o di kaya’y sa Singapore.

Inihayag rin nito na isasailalim rin nila sa public auction sa pagtatapos ng taong ito ang iba pang na-sequester na mga ari-arian tulad ng Baguio Properties, share ng stock sa Manila Electric Co., Express Telecoms Philippines Inc., Oceanic Wireless Network, Inc. at Channel 13 tv station.

Naka-schedule sa susunod na taon ang bidding ng isa pang government tv station na Channel 9. (Ulat ni Danilo Garcia)

AYON

BAGUIO PROPERTIES

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISSIONER JORGE SARMIENTO

DANILO GARCIA

EXPRESS TELECOMS PHILIPPINES INC

GOOD GOVERNMENT

INAASAHANG

MANILA ELECTRIC CO

OCEANIC WIRELESS NETWORK

PRESIDENTIAL COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with