Ayon kay PCGG Commissioner Jorge Sarmiento, kasalukuyan pa nilang isinasailalim sa imbentaryo ang mga alahas na nakuha sa mga Marcoses at plano nilang i-bid sa mga sosyal na jewelry stores sa ibang bansa tulad ng Christie’s sa US at Sotheby’s sa London o di kaya’y sa Singapore.
Inihayag rin nito na isasailalim rin nila sa public auction sa pagtatapos ng taong ito ang iba pang na-sequester na mga ari-arian tulad ng Baguio Properties, share ng stock sa Manila Electric Co., Express Telecoms Philippines Inc., Oceanic Wireless Network, Inc. at Channel 13 tv station.
Naka-schedule sa susunod na taon ang bidding ng isa pang government tv station na Channel 9. (Ulat ni Danilo Garcia)