Ang lima sa walo ay kinabibilangan nina Senators Franklin Drilon at Ramon Magsaysay Jr., dating Speaker Manny Villar at Reps. Joker Arroyo at Ralph Recto.
Mula naman sa opposition senatorial slate, pumili ang Iglesia ng apat na kandidato, kabilang sina dating Executive Secretary Edgardo Angara at broadcast journalist Noli de Castro na tumatakbong independent.
Pinasalamatan ni Pangulong Arroyo ang nasabing sekta sa ipinakita nitong suporta ng makipagkita ang una kay INC Executive Minister Erano Manalo kamakailan. Samantala, kung walong kandidato mula sa PPC ang inendorso ng INC, kabaligtaran naman ito ng sinusuportahan ng charismatic group na El Shaddai.
Sa isang sample ballot na ipinakalat ng El Shaddai, inendorso nito ang mga sumusunod na senatorial opposition candidates: Dr. Loi Estrada, Ping Lacson, Dong Puno, Gringo Honasan, Juan Ponce Enrile, Edgardo Angara, Orlando Mercado at Miriam Defensor Santiago.
Ang administration candidates na sinusuportahan ng El Shaddai ay sina Drilon, Bobby Tañada, Obet Pagdanganan at Villar, habang ang 13th candidate ay bakante.
Ang INC ay may tinatayang 3 milyong miyembro habang ang El Shaddai ay may isang milyon. (Mga ulat nina Jess Diaz at Efren Danao)