Pagpatay kay Platon tatalakayin sa peace talks, gobyerno nababahala

Nababahala na ang gobyerno sa sunud-sunod na "political assassinations" partikular sa mga lalawigan na ang responsable ay mga rebeldeng grupo na ang pinakahuli ay ang ginawang pagpatay kay Tanauan, Batangas Mayor Cesar Platon.

Bunga nito, isusulong ni Pangulong Arroyo na matalakay sa peace talks ang nangyaring pagpatay kay Platon.

Sinabi ito ng Pangulo matapos dumalaw sa burol ni Platon sa Batangas at kausapin ang naulilang pamilya nito. Dito na rin nagkaroon ng pagkakataon si Mrs. Platon para isumbong sa Pangulo ang natatanggap na mga banta sa kanilang buhay makaraang mapatay ang asawa.

Nangako ang Pangulo na kumikilos ang mga awtoridad para agad malutas ang nasabing kaso bagamat inako na ng Melito Glor Command ng New People’s Army (NPA) ang pagpaslang.(Mga ulat nina Ely Saludar at Rose Tamayo)

Show comments