^

Bansa

Kaso sa 2 Metro Mayor isasampa sa DOJ

-
Anumang araw ay maaari nang sampahan ng kasong rebellion at conspiracy to commit rebellion ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang dalawang Metro Manila mayor at ilan pang kandidatong tumulong sa Edsa 3 at puwersang lumusob sa Malakanyang noong Mayo 1.

Ayon kay NBI director Reynaldo Wycoco, kinukumpleto na lamang ng mga imbestigador ang lahat ng ebidensiya bago tuluyang isampa ang naturang asunto.

Ilan sa pinaghihinalaang sangkot sa pagbibigay ng pondo at naghakot umano ng tao para sumali sa paglusob sa Palasyo sina Malabon Mayor Amado Vicencio, Pasay City Mayor Peewee Trinidad, Caloocan City mayoral candidate Luis "Baby" Asistio at dating Metro Manila Development Authority (MMDA) Jejomar Binay.

Ang naturang mga opisyal ay kilalang malapit na kaibigan at kapartido ni dating Pangulong Estrada.

Lumalabas na may testigo ang NBI na nagtuturo sa ginawang paghahakot ng tao ng mga mayor/pulitiko para dalhin sa Edsa shrine. Habang si Binay ay itinuturo naman ng kalabang si Edu Manzano na umano’y naghakot ng mga squatters sa Makati para makisali sa ginawang demonstrasyon sa Edsa. (Ulat ni Grace Amargo)

CALOOCAN CITY

DEPARTMENT OF JUSTICE

EDSA

EDU MANZANO

GRACE AMARGO

JEJOMAR BINAY

MALABON MAYOR AMADO VICENCIO

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGULONG ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with