Hunyo 27 ang petsang itinakda at kauna-unahang pagkakataon na ang panig ng Pilipinas ay diringgin at igigiit nito sa ICJ na may karapatan din itong umangkin sa Sabah at sa mga isla ng Sipadan at Ligitan tulad ng pag-angkin ng bansang Malaysia at Indonesia.
Ang isla ng Sipadan at Ligitan ay matatagpuan sa Celebes Sea,ilang kilometro ang layo mula sa hangganan ng Borneo na kinaroroonan ng Sabah na kapwa inaangkin ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia.
Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary for Policy Lauro Baja Jr.,na mayroon na silang legal team na makikipag-argumento sa ICJ at hindi maapektuhan kung anuman ang magiging desisyon ng korte sa kanilang pag-angkin sa mga nabanggit na isla. (Ulat ni Rose Tamayo)