^

Bansa

ICJ diringgin ang argumento ng Pilipinas

-
Sa susunod na buwan ay nakatakdang dinggin ng International Court of Justice (ICJ) ang oral argument ng Pilipinas sa pagkakaroon nito ng karapatan na umangkin sa Sabah.

Hunyo 27 ang petsang itinakda at kauna-unahang pagkakataon na ang panig ng Pilipinas ay diringgin at igigiit nito sa ICJ na may karapatan din itong umangkin sa Sabah at sa mga isla ng Sipadan at Ligitan tulad ng pag-angkin ng bansang Malaysia at Indonesia.

Ang isla ng Sipadan at Ligitan ay matatagpuan sa Celebes Sea,ilang kilometro ang layo mula sa hangganan ng Borneo na kinaroroonan ng Sabah na kapwa inaangkin ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia.

Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary for Policy Lauro Baja Jr.,na mayroon na silang legal team na makikipag-argumento sa ICJ at hindi maapektuhan kung anuman ang magiging desisyon ng korte sa kanilang pag-angkin sa mga nabanggit na isla. (Ulat ni Rose Tamayo)

CELEBES SEA

FOREIGN AFFAIRS UNDERSECRETARY

HUNYO

INTERNATIONAL COURT OF JUSTICE

LIGITAN

PILIPINAS

POLICY LAURO BAJA JR.

ROSE TAMAYO

SABAH

SIPADAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with