P122-M kontrata sa pagtatayo ng bagong munisipyo iimbestigahan

Pinaiimbestigahan ng Malakanyang ang umano’y iregularidad na bumabalot sa mabilisang pag-apruba ni Malabon Mayor Amado Vicencio at ilang miyembro ng Sangguniang Bayan sa kinukuwestiyong P122-milyong pagpapatayo ng bagong munisipyo.

Ang imbestigasyon ay gagawin matapos matuklasang lumabag ito sa Memorandum Order No. 143 na pinalabas noon pang panahon ni dating Pangulong Estrada.

Batay sa naturang order, kailangan munang humingi ng pahintulot ang lahat ng ahensiya ng gobyerno national o local sa mga proyektong ipatutupad nito, na ang halaga ay hihigit sa P50 milyon.

Nabatid na hindi dumaan sa tanggapan ng Office of the Executive Secretary ang pagpapa-apruba sa naturang proyekto ng Malabon. Sakaling mapatunayang nilabag ng mga opisyal nito ang naturang kautusan mahaharap ang mga ito sa kasong administratibo.

Show comments