^

Bansa

Kahirapan, posibleng magbunsod ng panibagong protesta

-
Nagbabala si Senate President Pro Tempore Blas Ople na ang patuloy na kahirapan sa bansa ang magiging dahilan ng panibago at walang tigil na protesta mula sa ibat ibang grupo.

Ayon kay Ople, ang naganap na EDSA 3 ay kinabibilangan ng mga Filipino na walang trabaho, walang bahay at mga school drop-outs kabilang na din ang mga tagasuporta ni dating Pangulong Estrada.

Sinabi ni Ople na patuloy na ipaglalaban ng mga mahihirap ang kanilang mga karapatan sa pamamagitan ng rally para matauhan ang administrasyon na gumawa ng paraan na maiahon sa hirap ang mga Filipino.

Hindi umano kayang pigilan ng pamahalaan ang pag-aaklas ng mahihirap na mamamayan kung wala silang nakikitang pagbabago sa pamumuno matapos na mapatalsik si Estrada sa puwesto.

Posible rin umanong makisama na ang mga cause oriented group sa rally ng mga pro-Erap para ipakita ang kanilang pagkondena sa administrasyong Arroyo. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

AYON

DORIS FRANCHE

ERAP

NAGBABALA

OPLE

PANGULONG ESTRADA

POSIBLE

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE BLAS OPLE

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with