Mga residente ng Mindanao na hinakot sa EDSA tutulungan ng Malacañang
May 4, 2001 | 12:00am
Lumikha na kahapon ng isang operations center ang Malacañang upang bigyan ng ayuda ang mga residente mula sa ibat ibang lalawigan partikular sa Mindanao na naunang hinakot upang dumalo sa isinagawang rally sa EDSA ng mga taga-suporta ni dating Pangulong Estrada.
Inaprubahan ni Pangulong Arroyo ang pagtatayo ng operations center sa Malacañang na pamumunuan ni Presidential Assistant on Mindanao Affairs Jesus Dureza.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Dureza na nagpasya ang pamahalaan na bumuo ng operations center dahil sa mga natanggap nitong mga kahilingan ng mga mamamayan sa Mindanao upang mahanap ang kanilang kamag-anak at kaibigan na lumuwas sa Metro Manila at ipinadalo sa EDSA rally.
Ayon kay Dureza, kabilang sa ibibigay na ayuda ay ang libreng pamasahe upang maibalik sa kanilang lalawigan. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am