Nagkaroon ng misa sa kanilang rally at nagkaroon ng kantahan at mga talumpati. Nagbantay naman ang 200 pulis para masawata ang anumang kaguluhan.
Pero, pasadong alas-9:30 ng umaga nang biglang tumigil ang programa ng mga ralista, namatay ang sound system at inalis ang backup generator kasama ang dump truck na nagsilbing stage.
Ilang Estrada supporter ang naguluhan kung bakit biglang nahinto ang programa at pinababalik sila ng kanilang mga lider sa EDSA Shrine gayong sinabihan sila na mananatili sila sa Ayala. Ilan sa kanila ang nagmatigas na pumirmi sa naturang lugar pero tuluyan ding umalis at nagbalik sa EDSA pagsapit ng tanghali. (Ulat ni Lordeth Bonilla)